Recent Posts

Human Nature Feminine Wash Review

Human Nature Feminine Wash Chamomile

Nope, hindi mag-aamoy chamomile ang iyong kipayla mae

PRODUCT DESCRIPTION

Ito na ang pinaka-abangan ng mga friendship kong beki – ang review ng Human Heart Nature NATURAL FEMININE WASH.

May three scents available – CHAMOMILE FRESH, CHAMOMILE COOL at POWDER COOL. Ang meron ako ay iyong CHAMOMILE FRESH so wit ako mako-comment sa amoy nung other two.

So siyempre the usual smell test muna – medyo same sila ng amoy ng LACTACYD, iyong amoy gamot, which is understandable dahil pareho naman silang panglinis ng kipay. I mean, magugulat siguro ako kung amoy detergent di ba? Pero hindi siya iyong porke Chamomile Fresh ay mag-eexpect ka talaga ng sobrang bango na parang shampoo or lotion. Sorry, madi-disappoint ka.

Meron daw itong soothing aloe vera and chamomile, cleansing agents from coconut, as well as natural preservatives from rice and anise for a fresher, cleaner, and more confident you. Shoray di ba?

 

MY FIRST ENCOUNTER

So ginamit ko anHuman Nature Feminine Wash Chamomile Freshg product na itey bago simulan ang aking araw para ma-test ko kung totoo ba ang kine-claim nito at sampu ng iba pang ads ng feminine wash na feeling of freshness all day.

Unfortunately ay wala. Wala akong naramdamang added feeling of freshness kesa nung gumamit ako ng normal na sabon or ng ibang feminine wash. Wala akong naramdamang hangin down there at hindi umangat ang aking skirt ala Marilyn Monroe habang ako ay nasa public place. Wala rin akong urge na sumayaw na lang bigla habang lahat ng tao sa paligid ko ay stress drillon.

At eto ang pinakamasaklap, 3rd day ko na ito ginagamit pero hanggang ngayon ay hindi nag-aappear out of nowhere ang aking forever crush para ngitian ako or bigyan ako ng bulaklak. I think dahil Sabado ngayon at wala naman siyang gagawin sa school ng Sabado. Huhuhu! Medyo irita. Sabi ng isa kong friendship na itago natin sa pangalang KM (hindi tunay na pangalan), nakita daw niya ang aking crush kahapon ng ilang beses. Naisip ko na sana pala nagpunta ako sa school kahapon para nakita ko din siya kaya lang wala naman akong gagawin doon  tapos jumulanis morissette pa. Oh well. Oo nga pala, nalimutan kong kelangan ko na mag-move on. #feelingera

Back to this product review – normal lang na malinis iyong feeling after using this feminine wash. I mean, never naman din kasi akong nakaramdan ng itch and burning sensation ala KriSTD ever kaya I can’t say na may difference nung gumamit ako ng Human Nature Feminine Wash. Di din naman mukhang dry and flaky ang aking kipayla mae eh, ever since ay healthy naman siya.

 

ANG PAGHAHATOL

Kung meron man itong naidulot na maganda ay hindi ko malalaman kasi silent type ang aking kipay. Kinausap ko siya kanina kung may naramdaman siyang difference between using this feminine wash, another feminine wash or normal soap pero no comment lang siya. #Suplada.

Anyway, Earnest Hemingway, I don’t know if I should recommend this product. Hindi dahil hindi siya maganda or dahil masama siya sa katawan pero dahil wala talaga akong basehan. Baka pag sinabi kong I highly recommend this product eh biglang magsalita ang aking kipay nang, “OBJECTION YOUR HONOR, NO BASIS.” And out of nowhere biglang sasagot ang aming Director nang, “SUSTAINED.”

Honestly, hindi din talaga ako madalas gumamit ng feminine wash. Normal na sabon lang like Dove ay masaya na kami ng aking kipay. We’re just simple folk. Charot.

 

MAGKANO ITEY

P54.75 – 50 ml

P156.75 – 200 ml

 

SUMMARY

  • It’s 98.7% Natural (kung saan gawa iyong 1.3% wit ko knowsline), SLS/SLES-free at hypoallergenic
  • Di rin mahalya mendez so di mabubutas ang iyong bulsa
  • Kung mahilig ka sa feminine wash ay go lang ng go. Ako kasi hindi masyadong bumibili talaga

 

NOTE: Kung bet niyo ng Human Nature products, bumili kayo sa akin para naman meron akong dagdag na kita. Puwede ko i-ship sa inyong location kung kayo ay nasa Metro-Manila. Shipping fee ay sa napakamurang halagang P50 pero pag ang order mo ay P1,000 and above, free shipping na kasi mabait akong tao. Mode of payment siyempre ay through bank deposit sa aking BPI Account na walang laman. Ang aking email address ay echoserangmango@gmail.com. Puwede mo rin akong i-message sa Facebook: www.facebook.com/echoserangmango.

(Visited 117 times, 1 visits today)

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *