Recent Posts

Human Nature Hydrating Creamy Wash Review

Human Nature Hydrating Creamy Wash Moringa

Gawa sa malunggay with plant collagen kemerut

Kanina ay dumating ang aking mga Human Nature products bilang nag-register ako as dealer for more fund raising activities. Magba-BAR Exam na kasi ako next year at medyo madami akong kelangan bilhin so kelangan ko na simulan ang pag-iipon.

Anyhoo, pinili ko ang Human Nature kasi natuwa ako sa ibang products nila at sa kanilang advocacy na nakikipag-partner sa kung anik-anik na organizations para mabigyan ng livelihood ang mga taong hindi masyadong nakaka-angat sa buhay.

So kasama sa aking starter kit ang HYDRATING CREAMY WASH na siyempre sinubukan ko agad pagkauwi ko from school.

 

PRODUCT DESCRIPTION

Ang Hydrating Creamy Wash ay isang facial wash na ginawa para sa mga utaz na dry ang skin. Ang promise ng product na itey ay to provide moisture para sa fezlak mong dry as the Sahara Desert. So meron itong moringa (aka Malunggay) at plant collagen for more locking in moisture and keeping skin soft and supple.

Btw ang benefits daw pala ng moringa ay meron daw itong anti-ageing properties at anti-oxidant din itey.

Also, like all other Human Heart Nature products, gawa ito sa mga natural na sangkap, walang halong synthetic fragrance or parabens na nakasisira sa kalusugan at sa kalikasan.

 

MY FIRST ENCOUNTER

Human Nature Hydrating Creamy Wash Moringa

Wag kalimutan i-shake it off muna ala Taylor Swift

Pagbukas ko ng takip, siyempre inamoy ketchiwa at nagulat ako dahil sobrang familiar ng amoy. Hindi siya mabaho pero very very light na amoy gamot. And then bam! It suddenly hit me! Kaya pala pamilyar ang amoy kasi medyo pareho sila ng amoy ng Lactacyd. Yes, Lactacyd, iyong sabon sa kipay. Ayun nga, medyo parang gamot ang amoy niya di katulad nung mga facial wash na gawa ng Pond’s, Nivea or Olay na parang mild at mabango. Di rin ito tulad ng Neutrogena or Cetaphil na medyo walang amoy.

Ang instructions sa likod ay maglagay lang daw ng button sized amount sa kamay tapos ihilamos sa basang mukha. So siyempre ginawa ko iyon. Hindi siya mabula na facial wash ha so kung bet mo iyong parang madaming bubbles, madi-disappoint ka. Pero after washing, hindi dry and mahapdi ang feel ng mukha mez.

Hindi nangati ang mukha ko kasi di naman ito malandi like some showbiz people I read about in the news. Di rin ako nagkaroon ng rashes kahit lumipas na ang 2 hours. I mean dapat lang naman kasi ang claim to fame ng Human Nature ay all natural ang kanilang mga produkto, walang paraben at may seal sila from the Natural Products Association (NPA) so lumelebel daw sila sa Burt’s Bees na meron ding ganitong seal. Feel ko naman na-moisturize ang mukha ketch kahit papaano. Wala akong napansin pala na drastic change after ko itong gamitin.

 

ANG PAGHAHATOL

Feel ko kung natural na Isabel Oily ang mukha mez, wag ito ang gamitin mo kundi iyong Balancing Facial Wash nila kasi iyon talaga ang variant na ginawa para magtanggal ng super daming excess oil. Isabel Oily kasi ang mukha kez at nung naghilamos ako para i-try iyong productchina ay galing aketchiwa sa school at sinuong ko ang traffic pauwi. After washing my face using this facial wash, feeling ko madami pa din unwanted oil na natira sa aking fezlak na puwede kong ibenta sa palengke. Kung drylalu ang skin mo like your love life, I think this product is super right for you.

Gagamitin ko pala ang product na ito for 30 days tapos magbibigay ulit ako ng review. Unless pag sa kalagitnaan ay bigla akong magka-pimple, then ia-abort ko ang plano kong gamitin ito for 30 days. So ganun na nga balitaan ko na lang kayo after 30 days. Na-set ko na ang alarm ko sa August 20, 2016. Hanggang sa muli! Paalam!

 

MAGKANO ITEY?

P79.75 – 50ml

P199.75 – 200ml

 

SUMMARY

  • Gawa sa natural na sangkap, walang halong harsh chemicals at paraben-free!
  • Hindi ito mahalya mendez so hindi mabubutas ang iyong bulsa
  • Kaya lang hindi siya mabango at hindi din mabula kasi hindi naman ito detergent
  • I recommend na gamitin lamang kung ikaw ay may dry skin or normal skin.

 

NOTE: Kung bet niyo ng Human Nature products, bumili kayo sa akin para naman meron akong dagdag na kita. Puwede ko i-ship sa inyong location kung kayo ay nasa Metro-Manila. Shipping fee ay sa napakamurang halagang P50 pero pag ang order mo ay P1,000 and above, free shipping na kasi mabait akong tao. Mode of payment siyempre ay through bank deposit sa aking BPI Account na walang laman. Email address ko ay echoserangmango@gmail.com or puwede ka din mag-send sa akin ng message sa facebook: www.facebook.com/echoserangmango.

(Visited 120 times, 1 visits today)

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *