Recent Posts

Human Nature Moisturizing Shampoo Review

Human Nature Moisturizing Shampoo Mandarin Fresh

Moisturizing Shampoo for dry, rough hair. Para sa buhok na kasing gaspang ng ugali ni Baron Geisler.

PRODUCT DESCRIPTION

Ang Human Heart Nature NATURAL MOISTURIZING SHAMPOO ay ginawa para sa mga utaz na dry and rough ang hair because of too much sun exposure or dahil sa kaka-blow dry ng bongga.

Meron daw itong CREAMFoam technology which acts like a lotion to soften and nourish your hair. Plus coco nectar (not Coco Martin) na bursting with amino acids, vitamins and minerals. But wait, there’s more! Sulfate-free ito at paraben-free so hindi siya harmful sa iyo at sa environment.

 

MY FIRST ENCOUNTER

May dalawang scent ang MOISTURIZING SHAMPOO ng Human Heart Nature – LUSH VANILLA and MANDARIN FRESH. Ang naibigay sa akin ay ang MANDARIN FRESH so witchikels ako mai-comment sa amoy ng LUSH VANILLA.

Human Nature Moisturizing Shampoo Mandarin

All natural kemerut

Ang MANDARIN FRESH ay amoy car freshener na citrus orange. So kung gusto mong para kang nasa loob ng sasakyan, habang naliligo – this is so perfect for you. Hindi din siya mabula kasi nga wala daw halong synthetic ingredient at hindi naman ito sabong panlaba. So ang feeling mo ay tubig lang ang gamit mo habang nagku-kusot ng buhok.

After maligo, para kang galing sa loob ng sasakyan na may citrus orange air freshener. Pero after one hour, ang amoy ng citrus orange ay nawawala leaving your hair odourless which is not actually a bad thing.

 

ANG PAGHAHATOL

2 days ko pa lang nagagamit iyong MOISTURIZING SHAMPOO at hindi ako gumamit ng conditioner after para malaman ko kung truelaget ba ang kine-claim ng product na ito.

Natuwa ako sa product na ito ha kasi usually bumubuhaghag iyong mga buhok ko sa bumbunan pag di ako naka-conditioner pero nung nagsalamin ako ngayon lang ay nakahiga lahat ng buhok ko. Parang medyo OA pero natuwa talaga ako kasi wit ako masyadong bilib at first sa shampoo na itey dahil nga hindi siya bumubula. Also, to be Fairview Quezon City, magaan iyong buhok ko, iyong hindi mahirap i-blow dry at soft din siya. Kung nakagamit kayo ng Cream Silk Conditioner, alam niyo iyong feeling ng mabigat at malagkit na buhok, well hindi ganito ang feeling after gumamit nung Moisturizing Shampoo.

So yes, I do recommend this product. Pag na-try ko iyong partner niya na MOISTURIZING CONDITIONER ay babalitaan ko kayo.

 

MAGKANO ITEY?

P49.75 – 50 ml

P129.75 – 200 ml

P299.75 – 495 ml

 

SUMMARY

  • Legit, hindi bumuhaghag ang buhok ko kahit di ako nag-conditioner. More importantly, magaan siya and soft din. Yes, nagulat ako sa kakayahan ng product na ito.
  • Gusto ko talaga ang amoy ng orange pero hindi ko bet masyado ang amoy ng orange sa product na ito. Iyong pagiging amoy orange niya kasi ay parang car freshener at hindi masyadong natural. Good thing lang na nawawala ang orange car freshener smell after 1 hour.
  • Hindi siya mabula so kung gusto mo ng shampoo na mabula, baka di mo to magustuhan.
  • Gawa sa natural na sangkap, walang halong harsh chemicals at paraben-free.
  • Hindi ito mahalya mendez so hindi mabubutas ang iyong bulsa.
  • I think kung oily ang iyong hair, wag mo itong gamitin kasi moisturized na ang iyong hair so baka bumigat ito. Kung dry to normal ang iyong hair, I think maganda siya for you.

 

NOTE: Kung bet niyo ng Human Nature products, bumili kayo sa akin para naman meron akong dagdag na kita. Puwede ko i-ship sa inyong location kung kayo ay nasa Metro-Manila. Shipping fee ay sa napakamurang halagang P50 pero pag ang order mo ay P1,000 and above, free shipping na kasi mabait akong tao. Mode of payment siyempre ay through bank deposit sa aking BPI Account na walang laman.

(Visited 118 times, 1 visits today)

Related Post

One Comment:

  1. Natawa naman ako sa way ng pag-explain mo dito sa product na ‘to sis. Hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *