Recent Posts

Church 1: Manaoag Church

Konting kembot na lang at malapit na akong lumaya from Malcolm Hell. So para makasiguro na magiging smooth as butter ang mga pangyayari ay pinangako ko sa aking sarili na magbi-bisita Iglesia ako sa mga simbahan na sinasabing nagmi-milagro. First stop ay ang very famous Manaoag Church.

Bakit “Manaoag Church” Ang Tawag?

Manaoag Church

Click to Enlarge

Ang tawag talaga sa simbahan ay Minor Basilica of our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag at matatagpuan ito sa isang burol sa Manaoag, Pangasinan. Ang tawag naman sa imahe ng Birheng Maria na nandoon ay Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Manaoag which translates to Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag. Ang bongga di ba?

Ayon sa kuwento, one fine day, may isang farmer na pauwi mula sa maghapong trabaho at aburido siya dahil marami siyang problems in life. Sa sobrang bigat ng dinadala niya, ang tanging nasabi na lamang niya ay, “Jesus take the wheel” or something to that effect. All of a sudden may nag-appear na liwanag sa gabing madilim. Tapos nakita daw niya ang aparisyon ng Birheng Maria na may hawak na rosary sa right hand tapos si Baby Jesus sa kanyang left hand.

Kakaripas na sana ng takbo itong si Mr. Farmer nang nakarinig siya ng matamis na tinig na nagsabing, “Son, I want a church built here in my honor. My children shall receive many favors in this place.” Not sure kung English talaga iyong pagkakasabi ni Virgin Mary or nagsalita siya ng native dialect tapos nagdala lang siya ng interpreter. We will never know. So siyempre more more announce si Mr. Farmer sa buong kanayunan ng kaniyang miraculous experience kaya nagpatayo sila ng church agad agad dun sa lugar na bet ni Virgin Mary. Tinuro daw niya talaga iyong spot na gusto niya.

So bakit nga “manaoag”? Galing kasi ito sa salitang “taoag” or “tawag” bilang tinawag ni Virgin Mary si Mr. Farmer para sabihin na bet niya magpa-construct ng church.

Anong Meron sa Manaoag Church?

Our Lady of Manaoag

Weekday kami nagpunta pero andami pa ding utaz! Di sila maubos-ubos

Ang Manaoag Church ang puntahan ng mga taong may mabibigat na pasanin, mga may pinagdadaanan in life, may mga sakit, or may gustong i-wish upon a star. Paborito itong puntahan ng mga estudyanteng magte-take ng Board Exams or Bar Exams kasi nga may miracle daw na nagaganap ditey.

At bilang may pinagdadaanan at pagdadaanan ako, siyempre gora si watashi for more super powers.

Getting There

Pag magco-commute papunta doon ay puwede daw sumakay sa Dagupan Bus or Victory Liner Bus na nasa Cubao tapos borlogs ka ng 4 to 5 hours and you’re there! Huwag lang kalimutan sabihin sa konduktor na ibaba ka sa Manaoag Church.

Fortunately for me, may isa akong kaibigan na may sasakyan at may iba pa akong kaibigan na bet din pumunta doon. All in all lima kaming lahat. Sa Quezon City kami nagkita-kits tapos dumaan kaming Mindanao Ave, tapos NLEX then SCTEX then TPLEX.

Manaoag, Pangasinan

We felt welcome naman nung pumunta kami.

Ang nagastos namin papunta minus pagkain at mga stuff na binili ay:

Toll 1: Mindanao Ave Exit Toll to NLEX – Php45.00
Toll 2: NLEX to SCTEX – Php277.00
Toll 3: Binalonan Exit from Tarlac – Php235.00
Gas: Php500.00

Pabalik, ganun din kasi ni-retrace lang namin ang gaming steps though may mga sidetrips kami na di ko na ikukuwento.

Finally!

Mga 7:00 AM kami nag-start from Katipunan, Quezon City dahil late nagising ang aking kaibigan na may sasakyan. Mabilis lang ang biyahe. Nakarating kami ng Manaoag around 10:00 AM. Doon kami sa side dumaan kasi may parking sa may likod ng church. Meron ding car blessing pala.

Pagdating doon ay nag-sindi ako ng kandila at nag-wish ng bongga. May mga bilihan ng kandila malapit sa kung saan sila dapat sindihan. Tapos bumili na ako ng rosary doon sa official na store. Nakapag-mass din pala kami dahil ang last na mass sa umaga ay 11:00 AM to 12:00 PM.

After nung mass ay naki-join ako sa pulutong ng mga tao na lumapit sa altar para ma-bless ni Father na nagwi-wisik ng holy water. Ginaya ko na iyong iba na itinaas nila ang kanilang mga trinkets for more salo ng blessings. May freebie din na pandesal at siyempre kumuha kami dahil libre at gutom na kami.

Nakita ko iyong imahe ng birhen pero di kami nakaakyat sa 2nd floor para hawakan ang kanyang damit kasi blockbuster nag pila. Medyo na-sad ako dun pero feeling ko babalik na lang akong mag-isa next time.

After nung mass, naglakad kami papunta sa harapan ng church at naloka ako dahil andami palang nagbebenta ng kung anik anik doon.

Ayun lang. Sana talaga ma-grant ang aking not one, not two but three wishes.

Our Lady of Manaoag Church

Mukhang empty ang surroundings pero andaming nagbebenta sa magkabilang gilid.

Sources ng kuwento:

http://manaoagbasilica.org/
https://www.facebook.com/pg/Our-Lady-of-Manaoag-120437460753/about/

(Visited 84 times, 1 visits today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *